Thursday, March 11, 2010

Multi-sectoral partnership mahalaga upang maseguro ang fair and orderly election

Ipinahayag ni MajGen Arthur Tabaquero, Cmdr, 8ID na mahalaga ang multi-sectoral partnership upang maseguro ang isang tapat, maayos at mapayapang halalan sa darating na Mayo a-10, ngayong taon.
Sa isinagawang peace covenant signing kaninang umaga sa St. Bartolome Church, catb. City, binigyang diin ni Gen Tabaquero na mahalagang papel ang magiging dala ng isang credible elections upang magkaroon ng political stability sa bansa.
Sa panayam, ipinangako ni Gen Tabaquero na gagawin nito ang lahat upang makamit ang adhikain para sa isang mapayapang eleksiyon sa R8.
Nanawagan din ito sa lahat ng sektor na suportahan ang kanyang advocacy para sa isang malinis at maayos na halalan.
Para naman sa mga kandidato, hiniling ni Gen Tabaquero sa mga ito na tumulong upang maiwasan ang mga election-related violence at igalang ang bawat boto ng mga botanteng Pilipino.