Wednesday, June 2, 2010

'PGMA, walang ihahabol na bagong appointment'

Tiniyak ngayon ng MalacaƱang na wala ng kontrobersyal na kontrata o appointment na ihahabol ang Pangulong Gloria Arroyo sa natitirang 29 na araw nito sa puwesto.

Sinabi ngayon ni Press Undersecretary Rogelio Peyuan, naniniwala silang lahat ng mga kinakailangang appointments o proyekto ay naaprubahan na.

Ayon kay Peyuan, ang ginagawa na lamang nila ngayon ay monitoring sa mga nasimulang proyekto at pipiliting matapos bago ang June 30.

Pero binigyang-diin ng opisyal na hindi magiging lame-duck President si Ginang Arroyo sa nalalabi nitong araw sa Palasyo.

Magiging business as usual pa rin umano at patuloy na mag-iikot para magpasalamat at maihayag ang mga programa.

Kasabay nito, nagpaabot naman ng kalungkutan ang Palasyo dahil lagging batikos at pagpuna umano ang kanilang natatanggap at hindi man lang na-highlight ang mga magagandang proyekto ng administrasyon.

Partikular na tinukoy dito ni Peyuan ang mga naging iskolar sa TESDA at mga nabigyan ng trabaho.

No comments:

Post a Comment